Archive for May, 2010

Impressive Legislative Record

Noynoy’s TRACK RECORD and COMPETENCE is always in question. 9 years as a Congressman, 3 years as a Senator… for a total of 12 years. And he had not passed ANY law.

Let’s give the man a chance. Well, at least he has an almost perfect attendance in all sessions.

According to Noynoy, he has an IMPRESSIVE legislative record.

Click this link to watch his interview. IMPRESSIVE legislative record.

Do our country need this kind of public servant? A simpleton. A non-performer. Non-achiever.

I want the BEST for my Country. and Noynoy is not the best.

Marian Rivera and Kris Aquino = EPIC FAIL

It was last Sunday nung napanood ko yung interview ni Marian Rivera sa Saksi Gma7. Tinanong sya if anong reaction nya sa mga lumalabas na balita against her presidential candidate Noynoy Aquino.

And she attested that Noynoy is not ABNOY or whatever. Sabi nya…

“Isa po akong PSYCHOLOGY, alam kong wala syang deperensya.”

HAHAHAHAHA! that really made my day. Isa syang PSYCHOLOGY!? ok. fine. ikaw na ang sangay ng Siyensya! ikaw na ang PSYCHOLOGY. puro ganda lang si ate. Am I convinced that Noynoy really has no psychiatric problems? NO!

then, here comes Kris Aquino.

when asked what was her message to all the detractors of Noy, this is what she said..

“Galit ako! Gusto ko sila SAKSAKIN!”

Really? Come on Kris! Hindi pa nga nanalo ang kapatid mo, grabe na ang kayabangan mo. Making a threat in PUBLIC? very immature and childish. just like your brother. Paano pa kaya pag nanalo si Noy? Baka lahat ng na-lilink kay James Yap, ipapatay mo na?

Philippines, THINK TWICE! Vote for our COUNTRY! vote WISELY!

Hindi lahat ng nakaDILAW ay Bayani!

Hindi lahat ng naka-dilaw, BAYANI.

Have you seen the latest tv advertisement of Kabataan Partylist?

Simple pero palong-palo. Substantial. Mind-awakening.

Totoo naman talaga eh!

Wag nating kalimutan na maraming dugong dumanak sa Hacienda Luisita kung saan isa si Noynoy Aquino sa nag mamay-ari nito. Ilang taon na ang nakalipas ngunit wala pa ding hustisya na nakakamit ang mga magsasaka. Kung walang hustisya, walang pagbabago!

Wag tayo magbulag-bulagan.

Hindi lahat ng nakadilaw ay Bayani.

Hacienda Luisita: Libingan ng Pangarap

“Hindi dapat maging issue ngayong eleksyon ang nangyari sa Hacienda Luisita”, ang sabi ni Noynoy.

Dapat nga bang kalimutan ngayong eleksyon ang nangyari sa Hacienda Luisita? Paano na ang 130 na nasugatan at 14 na namatay? Nakibaka para sa simpleng dagdag sa kakapiranggot na sweldong 9.50 kada araw. Ngunit walang awang pinagpapatay noong November 16, 2004. Halos mag-aanim na taon na ang nakalipas at ngayon…

Tumatakbo si Noynoy Aquino sa pagkaPresidente ng ating bansa. Ano na ang pwedeng mangyari sa Hacienda Luisita? Tinanong sya ng media patungkol dito at ang kanyang nasabi…

“Hindi dapat maging issue ngayong eleksyon ang nangyari sa Hacienda Luisita”.

Eleksyon ngayon… ito ang TAMANG panahon para pag-usapan ang nangyari sa Hacienda Luisita.

Nasaan na ang hustisya? Sa ngayon, madami ang nagbubulag-bulagan. Si Noynoy daw ay walang bahid. Huwag natin ipagkibit balikat ang nangyari sa ating mga kapatid na magsasaka. Sila ay nakipaglaban upang madagdagan ang kanilang sweldo. Ngunit ano ang sabi ni Noynoy sa kanilang ginawa?

“Nasulsulan lamang yan ng mga leftist.”

Tama bang sabihin iyon? Nasulsulan? Sino ba naman ang hindi magwewelga sa kakarampot na sweldo sa buong araw na 9.50? Hindi ba’t karapatan din naman iyon na mga magsasaka?

Ang mga videos na nakapaloob dito ay DAPAT mapakalat at mapanood ng mga Pilipino. Ano nga ba ang nangyari sa loob ng Hacienda Luisita? Ano nga ba ang pinaglaban ng mga magsasaka. At kung ano nga ba ang mga PINANGAKO ng Aquinos sa kanila…. na tila napako naman.

Eleksyon ngayon… ito ang TAMANG panahon para pag-usapan ang nangyari sa Hacienda Luisita.

WALA NGA BANG BAHID? O WALANG BUDHI?-click to watch


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.