Archive for May 6, 2010

Hindi lahat ng nakaDILAW ay Bayani!

Hindi lahat ng naka-dilaw, BAYANI.

Have you seen the latest tv advertisement of Kabataan Partylist?

Simple pero palong-palo. Substantial. Mind-awakening.

Totoo naman talaga eh!

Wag nating kalimutan na maraming dugong dumanak sa Hacienda Luisita kung saan isa si Noynoy Aquino sa nag mamay-ari nito. Ilang taon na ang nakalipas ngunit wala pa ding hustisya na nakakamit ang mga magsasaka. Kung walang hustisya, walang pagbabago!

Wag tayo magbulag-bulagan.

Hindi lahat ng nakadilaw ay Bayani.

Hacienda Luisita: Libingan ng Pangarap

“Hindi dapat maging issue ngayong eleksyon ang nangyari sa Hacienda Luisita”, ang sabi ni Noynoy.

Dapat nga bang kalimutan ngayong eleksyon ang nangyari sa Hacienda Luisita? Paano na ang 130 na nasugatan at 14 na namatay? Nakibaka para sa simpleng dagdag sa kakapiranggot na sweldong 9.50 kada araw. Ngunit walang awang pinagpapatay noong November 16, 2004. Halos mag-aanim na taon na ang nakalipas at ngayon…

Tumatakbo si Noynoy Aquino sa pagkaPresidente ng ating bansa. Ano na ang pwedeng mangyari sa Hacienda Luisita? Tinanong sya ng media patungkol dito at ang kanyang nasabi…

“Hindi dapat maging issue ngayong eleksyon ang nangyari sa Hacienda Luisita”.

Eleksyon ngayon… ito ang TAMANG panahon para pag-usapan ang nangyari sa Hacienda Luisita.

Nasaan na ang hustisya? Sa ngayon, madami ang nagbubulag-bulagan. Si Noynoy daw ay walang bahid. Huwag natin ipagkibit balikat ang nangyari sa ating mga kapatid na magsasaka. Sila ay nakipaglaban upang madagdagan ang kanilang sweldo. Ngunit ano ang sabi ni Noynoy sa kanilang ginawa?

“Nasulsulan lamang yan ng mga leftist.”

Tama bang sabihin iyon? Nasulsulan? Sino ba naman ang hindi magwewelga sa kakarampot na sweldo sa buong araw na 9.50? Hindi ba’t karapatan din naman iyon na mga magsasaka?

Ang mga videos na nakapaloob dito ay DAPAT mapakalat at mapanood ng mga Pilipino. Ano nga ba ang nangyari sa loob ng Hacienda Luisita? Ano nga ba ang pinaglaban ng mga magsasaka. At kung ano nga ba ang mga PINANGAKO ng Aquinos sa kanila…. na tila napako naman.

Eleksyon ngayon… ito ang TAMANG panahon para pag-usapan ang nangyari sa Hacienda Luisita.

WALA NGA BANG BAHID? O WALANG BUDHI?-click to watch


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.