“Hindi dapat maging issue ngayong eleksyon ang nangyari sa Hacienda Luisita”, ang sabi ni Noynoy.
Dapat nga bang kalimutan ngayong eleksyon ang nangyari sa Hacienda Luisita? Paano na ang 130 na nasugatan at 14 na namatay? Nakibaka para sa simpleng dagdag sa kakapiranggot na sweldong 9.50 kada araw. Ngunit walang awang pinagpapatay noong November 16, 2004. Halos mag-aanim na taon na ang nakalipas at ngayon…
Tumatakbo si Noynoy Aquino sa pagkaPresidente ng ating bansa. Ano na ang pwedeng mangyari sa Hacienda Luisita? Tinanong sya ng media patungkol dito at ang kanyang nasabi…
“Hindi dapat maging issue ngayong eleksyon ang nangyari sa Hacienda Luisita”.
Eleksyon ngayon… ito ang TAMANG panahon para pag-usapan ang nangyari sa Hacienda Luisita.
Nasaan na ang hustisya? Sa ngayon, madami ang nagbubulag-bulagan. Si Noynoy daw ay walang bahid. Huwag natin ipagkibit balikat ang nangyari sa ating mga kapatid na magsasaka. Sila ay nakipaglaban upang madagdagan ang kanilang sweldo. Ngunit ano ang sabi ni Noynoy sa kanilang ginawa?
“Nasulsulan lamang yan ng mga leftist.”
Tama bang sabihin iyon? Nasulsulan? Sino ba naman ang hindi magwewelga sa kakarampot na sweldo sa buong araw na 9.50? Hindi ba’t karapatan din naman iyon na mga magsasaka?
Ang mga videos na nakapaloob dito ay DAPAT mapakalat at mapanood ng mga Pilipino. Ano nga ba ang nangyari sa loob ng Hacienda Luisita? Ano nga ba ang pinaglaban ng mga magsasaka. At kung ano nga ba ang mga PINANGAKO ng Aquinos sa kanila…. na tila napako naman.
Eleksyon ngayon… ito ang TAMANG panahon para pag-usapan ang nangyari sa Hacienda Luisita.
WALA NGA BANG BAHID? O WALANG BUDHI?-click to watch

-mac lester dumag- Said:
on May 6, 2010 at 5:25 am
oo nga.. yang si noynoy tlga mahina ang pagiisip.. nd keang humarap sa katotohanan.. puro salita wala namang nagawa.. haha amp!
topakels Said:
on May 6, 2010 at 6:36 am
sabi nga ni pacquiao… puro salita wala naman nagawa. kaya dapat iapakalt ang mga videos na yan.
beiibeii Said:
on May 6, 2010 at 6:43 am
hayaan niyo kapag nanalo si noynoy babalikan niya kayo..
wag po kayong mag-alala ..
ibibigay po niya ang hinihiling ninyo..
topakels Said:
on May 6, 2010 at 7:33 am
talaga lang? sana lang ha. bakit kaya after 5 years nya pa ibibgay ang lupa sa mga magsasaka? eh malapit na matapos ang termino nya nun. kung gusto may paraan, kung ayw may dahilan. bakit after 5 years pa… pwede namang NGAYON NA!
CLOUIE Said:
on May 6, 2010 at 9:10 am
Sana naman yung nangyari sa Hacienda Luisita ay wag namang ibato lahat kay noynoy. Maliit lang po ang share ng magkakapatid na aquino don, what more ung individually share nila(share ni noynoy).Broad your mind naman..
topakels Said:
on May 6, 2010 at 4:16 pm
YES! let’s BROADEN our minds! sorry but I don’t buy such excuses.. na maliit lang ang share doon ni Noynoy. but still, majority of the stocks are owned by the Aquinos. Congressman sya ng Tarlac for 9 years, Senator for 3 years. wala man lang syang nagawa para mabigyan ng hustisya ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita?! matuto na tayo. nangyari na ito noong panahon ni Cory. taong 1965 pa dapat naibigay ang lupa ng mga magsasaka. ilang dekada na ang nakalipas.. may masaker ng naganap.. wala pa ding nangyayari. at ang pangako ni noy pag sya ang nanalo.. after 5 years,saka nya maibibigay ang lupa. Bakit after 5 years pa? Kung pwede namang NGAYON NA!?